Dear Pa,
kamusta ka na po ba? ok lng naman po kami dito.
miss na miss na po namin kayo ni Pating at mama. Sana nasa mabuting kayong kalagayan.Nakatapos na po ako dito ng pag aaral sa ams.Mas masaya po sana kung nandoon kayo.Naiintindihan ko naman po ang sitwasyon natin na hindi po pwede tayong mag sama ulit tulad ng dati.Ganun pa man ay umaasa pa rin ako kahit papaano na magka ayos kayo ni Mama kahit na malabong mangyari iyon.Wag po kayong mag alala pinagbubutihan ko po ang pag aaral ko promise ko po yun sa inyo di ba.Saka konting panahon nalang at makakatapos na rin ako tapos mag iipon po ako ng pera para maka uwi na dyan at makasama ko po kayo.Matagal ko na pong gustong bumisita ngunit hindi pa po maaari.Gusto ko sana kayo makausap ng madalas pero hindi ko po alam ang contact number nyo saka hindi ko rin alam kung saan kayo laging nag titigil.Pa sana po hindi kayo masyadong malungkot kung malayo kami.Wag po kayong mag alala hindi ka po namin nakakalimuutan.Mag ingat nalang po kayo lagi at ingatan nyo po ang sarili nyo.
nagmamahal,
Grace